Balita Lyrics

Add song information...
Edit
For Example...
What chart rank did the song debut? What is the song about? Has it won any awards?, etc.
Cancel Submit
Thank You For Your Submission
Your introduction will appear once it has been deemed awesome by our team of wizards.
  • Play Video
  • Correct
  • Print

Balita Submit Correct Lyrics

Submit Corrections Cancel

Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako

Gloc 9:
Ako ay Pilipino sa isip at sa gawa
Ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita
Isang gobyerno na kayang sikmurain at magtawanan
May pamilyang kumakain ng kulang sa dalawang

Beses sa isang araw
Minsan wala ngang panlugaw
Bakit ganito kababaw
Isang pagkaing nilangaw

Ang dadamputin at kakainin ng batang gutom
Alam ba ng nga husgado at lahat ng hukom
Na merong mas masahol pa sa hatol ng kamatayan
Yan ay ika'y maging mahirap sa sarili mong bayan

Mga bata na ang dapat na ginagawa'y maglaro
Bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto
Upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis
Kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis

Hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso
Bagkus ay isang taong gulang na kapatid at may baso

Sa harapan na nagbabakasakaling lagyan
Baryang pambili ng tinapay na panglaman sa tiyan
Mga pinunong bago mamatay at magkasakit
Sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig

Urbandub:
(bisayan version)

Gloc 9:
Mga bakal na dumudura nangapuyat ng tingga
Tangan-tangan at balot ng kasuotang pandigma
Bakit di mapagtugma ang mayaman at dukha
Sa pananaw ang kapalit ay hapis at pagluluksa

Pare-parehong sundalo, Muslim man o Kristiyano
Ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo
Walang panalo dahil sa huli tayo ang talo
Pinoy ang nasa loob ng ataol na sinarado

Yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang pinangako
Respeto't pagmamahalan ay pilit na tingatago
Lawing hindi makadapo may pakpak na limitado
At nakakulong sa seldag may walang susing kandado

Kailan kaya matatapos ang pag-agos ng dugo
At ang kapayapaa'y mahawakan ng buong-buo
Yan ba ang kwento o tanong na pilit na humahawi
Sa bawat taong bahagi ng watawat na hinabi

Listen to Gloc 9 Radio on Last.fm, Radio.com or Jango

Latest News