Bassilyo Lyrics

Overview / Lyrics (see all) / Photos / Videos / News

print correct

Lord Patawad Lyrics

"Lord Patawad" was written by Lordivino, Ignacio.
"Lord Patawad" was written by Lordivino, Ignacio.

(No other information is available for this lyric - would you like to add something today?)
show more
Edit | show less
Help
What chart rank did the song debut? What is the song about? Has it won any awards?, etc.
Cancel Submit
Thank You
Your introduction will appear once it has been deemed awesome by our team of wizards.

Submit Corrections Cancel

Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan
Baka may kakilala Ka na pwede kong utangan
Kasi alam Mo na sa tong-its talo ako
Pwede bang bigyan ako kahit anim na numero?
Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan
Sana'y may artista na maka-date man lamang
Okay lang sa akin kahit na si Joyce Jimenez
Sana ako'y pumogi, pumuti at maging flawless
Kinakausap lang Kita kapag nangangailangan
Noong ako'y binasted ng aking nililigawan
Problemado po ako at wala 'kong pang-inom
ang hina ko Sa'yo, yun ang hinala ko noon
Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan
Ang aking iniisip puro pan-sarili lamang
at kapag may mabigat na problema at seryoso
Doon ko lang naaalala ang pangalan Mo

Lord, patawad
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang
Lord, patawad
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang
'Pag may bagong damit na ipagyayabang
'Pag may bagong biling mahal na pabango
Kapag bago ang shoes o kaya ang relo
Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang
Pag may jowa akong makakalampungan
Kapag may mga bebot na ang gaganda
Kapag merong baklitang nakakatawa
Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang
'Pag andyan ang tropa't nagkayayaan
hahanap ako ng mapagtitripan
Pagkatapos ng misa ay aabangan

Lord, patawad
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang
Lord, patawad
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang

Akala ko dati ay kaya ko na
Kaya ko nang mabuhay mag-isa
Ang daming trabaho, babae't pera
'Pag ako'y sagana 'di Kita kilala
Naalala Kita noong ako'y nakulong
Parang bubuyog, bulong ng bulong
'Pag may kamalasan sa 'king nangyari
Ikaw lang nang Ikaw aking sinisisi
Kapag merong debate, sinong magaling?
Sinong matuwid sino ang nagsinungaling?
Ako'y naiiling at mistulang sanggol
'Di man lamang Kita kayang ipagtanggol
SINOSOLO KO LANG ANG BIGAY MONG BLESSING!
Kumanta ako dapat ay bayad din
Bakit nga ba Sa'yo ay wala akong time
Pa'no kung Ikaw na ang mawalan sa akin ng time?

Lord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o
Lord
Lord, Lord, Lord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o
Lord

Sa puso ko'y lagi Siyang kumakatok
'Di ko binuksan, 'di ko pinapasok
Tuktok ng bundok na Kanyang inakyat
Tignan ko pa lang ako ay nilagnat
Dapat ako ang ipako sa cross
Dapat ako ay siyang nanlilimos
Nag-awad ng tawad sa ating Ama
Ngunit masama pa ang pinadama
Dadadadadadadadadada
Puro ako salita at dada
Sa biyaya ako'y naaatat
Pero kahit kailan 'di nagpasalamat
Nagduda ako sa kakayahan Mo
'Di ako nararapat Sa'yo
Masyado akong mapagmalaki
Pero kahit kailan, hindi Ka nag-higanti

Lo-ord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o
Lord
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang
Lord, Lord, Lord, patawad
Lo-o-o-o,o-o-o
Lord
Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang

Songwriters
LORDIVINO, IGNACIO

Published by
Lyrics © Universal Music Publishing Group

Listen to Bassilyo Radio on Last.fm, Radio.com or Jango

Poll

Vote Now
Next Poll